Inalis na ang nationwide lockdown sa Sri Lanka, isang buwan matapos ikasa muli ang selective curfew bunsod ng pagtaas ng coronavirus infections.
Ngunit, ayon kay Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa, wala nang nangyayaring local transmission kaya niya ginawa ang nabanggit na hakbang.
Samantala, mananatili naman ang ipinatutupad na curfew tuwing gabi sa naturang bansa.