Naghahanda na ang mga militanteng grupo para sa nationwide protest na ilulunsad kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, sa July 27.
Ayon kay Renato-Reyes, Secretary-General ng grupong Bagong Alyansang Makabayan, dapat marinig ang hinaing ng mga maralita sa kabila ng tumitinding batuhan ng putik ng mga pulitiko, halos isang taon bago ang eleksyon.
Isa aniyang oportunidad ang SONA upang ihayag ang kanilang sentimyento lalo sa mga issue na bigong masolusyonan ng Aquino administration.
Kabilang sa mga issue na ihahayag sa protesta ang unemployment rate sa kabila ng paglago umano ng ekonomiya; katiwalian at selective justice sa pork barrel at DAP cases maging ang makupad na relief at rehabilitation process sa mga biktima ng kalamidad.
By Drew Nacino