Wala ng atrasan ang ilulunsad na panibagong nationwide protest bukas ng mga transport group kontra sa planong i-phase out ang mga jeep na nasa 15 taon ng pumapasada.
Ayon kay Piston National President George San Mateo, handa na rin ang kanilang mga member sa mga provincial chapter upang hadlangan ang plano ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board.
“Itutuloy natin ang Protesta bukas at nakahanda ang ating mga kasamahan dito sa Manila pati na rin sa ibang lugar sa probinsya gaya ng Cebu, Laguna, Baguio, Isabela at iba pang lugar sa kabisayaan.”
Gayunman, tila watak-watak ang mga transport group hinggil sa pag-phase out ng mga jeep.
Ito’y makaraang aminin ni San Mateo na hindi sila nakikiisa sa nauna ng inilunsad na aktibidad ng groupong ACTO sa pangunguna ni Efren de Luna, noong isang linggo.
“Inoobseran pang mabuti yung protesta ni Efren ng ACTO. Hindi nya man hinihingi na ibasura yung phase out ang hinihingi nya maghanap ng 1 buwan para maghanap ng mauutangan. Pabor sya sa phase out,” pahayag ni San Mateo.
By: Drew Nacino