Matatapos na rin sa Hulyo ang Nationwide Service Contracting Program.
Ayon kay Tina Cassion, Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, sakop ng programa ang 146 na PUVs sa NCR na titigil na sa pag-aalok ng Libreng Sakay.
Hanggang Hulyo rin ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel kabilang ang Commonwealth Route 7 Bus mula sa Montalban patungong Quezon Avenue.
Abril a-11, sinimulan ang libreng sakay sa ilalim ng ikatlong bahagi ng Service Contracting Program ng Department of Transportation.
Sa ilalim nito, makakatanggap ng one-time payout ang mga operators at drivers at lingguhang bayad para sa bilang ng kilometrong kanilang ibina-biyahe kada linggo, may pasahero man o wala.
Sa huling datos nitong Hunyo, mahigit 71 milyong pasahero na ang natulungan ng libreng sakay sa bansa.