Isinagawa ang nationwide quake drill sa ilang pangunahing lugar sa bansa ngayong araw.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinimulan ito sa pamamagitan ng malakas na alarma kaninang alas-9 ng umaga sa Ortigas, Pasig na siyang pilot area ng earthquake drill.
Layon nitong masubukan ang emergency plan ng mga paaralan, tanggapan at ahensiya ng gobyerno sa kanilang kahandaan sakaling tumama ang malakas na lindol.
Nakiisa sa earthquake drill ang mga nakibahagi sa crisis management conference 2019 sa Fairmont Hotel sa lungsod ng Makati kung saan ang MMDA ang siyang host ng naturang programa.
Sabay-sabay na nag-‘duck, cover and hold’ ang lahat ng participants dito kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan, mga bisita, media, staff at iba pa.
SUNDAN: 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill | Iba’t ibang ahensya, nakilahok ngayong Huwebes sa nationwide earthquake drill #EarthquakeDrill https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/AxdB4ItGAF
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 14, 2019
Gayundin ang Philippine National Police sa Kampo Crame, Mandaluyong City Hall at Department of Transportation-MRT3.