Kanselado na ang nationwide simultaneous earthquake drill na isasagawa sana sa unang bahagi ng taon.
Ito’y bilang tugon sa deklarasyon ng national state of public health emergency sa bansa dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nakatakda sanang gawin sa March 12, alas-2 ng hapon ang 1st quarter earthquake drill.
Sa ngayon ay wala pang itinakdang petsa ang Office of the Civil Defense (ocd) kung kailan ililipat ang aktibidad.