Nagpasalamat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paglahok ng publiko sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.
Sa pahayag ng NDRRMC, ipinabatid nito na nakapagtala sila ng nasa 35,000 peak concurrent views at 195,000 total views sa livestreaming ng nasabing aktibidad sa kanilang facebook page
Patuloy namang nanawagan ang NDRRMC sa lahat na makiisa sa mga ganitong gawain na naglalayong paigtingin ang kamalayan para sa kaligtasan ng lahat sa sandaling tumama ang sakuna
Kaninang umaga, sa hudyat ng ceremonial pressing of the button ay sabay-sabay na nagduck, cover and hold ang mga lumahok upang ipaalala ang mga dapat gawin sakaling dumating na ang pinangangambahang malakas na lindol o ang the big one. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)