Sa unang araw ng kanyang pamumuno, ipinag-utos agad ni Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde sa mga hepe ng pulisya ang nationwide suprise inspection sa mga istasyon ng pulis.
Sa kanyang talumpati sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na layon nitong tiyakin ang kahandaan ng mga pulis.
Babantayan naman aniya ng PNP Oversight Committee ang trabaho ng mga ground commander na nagsasagawa ng inspeksyon.
Ayon kay Albayalde, gustuhin man niyang siya mismo ang mag-ikot at mag-inspeksyon sa mga presinto sa buong bansa, hindi niya ito kakayanin.
Pangako ng bagong PNP Chief, magiging huwaran siyang lider at didisiplinahin ang mga pulis.
Kung matatandaan, ilang beses nagsagawa ng surprise inspection si Albayalde noong siya pa ang hepe ng NCRPO kung saan sinibak niya sa puwesto ang mga naaktuhan niyang natutulog at nag-iinumang mga pulis.
—-