Inihayag ni Orlando Marquez, Pangulo ng Liga ng Tranportasyon at Operator sa Pilipinas na posibleng magkaroon ng isang One Time Big Time Nationwide Transport Strike sa gitna ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Marquez na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang iba’t ibang mga lider ng transportasyon hinggil sa malawakang tigil-pasada. – sa panulat ni Airiam Sancho