Umabot sa 69,354 ang aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 6,636 bagong kumpirmadong kaso ngayong araw.
Dahil dito, sumampa na sa 1,028,738 ang kabuuang bilang ng lahat ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa at 942,239 sa mga ito ang lahat ng nakarekober.
Habang 114 ang naitalang bagong nasawi dahilan upang umakyat sa 17,145 ang lahat ng nasawi dulot ng naturang virus.