Napunta na sa isang bagong hukom ng Muntinlupa Regional Trial Court ang natitirang kasong kriminal laban kay dating Sen. Leila De Lima matapos maghain ng motions for inhibition ang akusado laban sa naunang huwes na may hawak dito.
Sa kanyang kautusan, itinakda ni RTC Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara ang susunod na pagdinig sa kaso sa Hulyo 7.
Ang drug case laban kay De Lima ay unang hinawakan ni RTC Branch 256 judge Romeo Buenaventura pero boluntaryo itong nag-inhibit sa kaso. Maliban kay De Lima, kabilang din sa mga akusado si dating Bureau of Corrections chief Jesus Bucayu at maging ang mga bodyguards noon ng dating senadora na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.