Nasawi na ang natitirang lalaking northern white rhino sa Kenya sa edad na 45.
Ayon sa pinuno sa conservation sa Pejeta Conservancy na si Samuel Mutisya, kinailangang isagawa ang mercy killing kay Sudan dahil sa marami nang komplikasyon ang katawan nito bunsod ng katandaan.
It is with great sadness that Ol Pejeta Conservancy and the Dvůr Králové Zoo announce that Sudan, the world’s last male northern white rhino, age 45, died at Ol Pejeta Conservancy in Kenya on March 19th, 2018 (yesterday). #SudanForever #TheLoneBachelorGone #Only2Left pic.twitter.com/1ncvmjZTy1
— Ol Pejeta (@OlPejeta) March 20, 2018
Si Sudan na ipinanganak noong 1973 sa South Sudan ay isa sa mahigpit na tinutukan ng mga eksperto para pangalagaan ang nauubos na uri nito.
Sa pagpanaw nito, dalawang babaeng northern white rhino na lang ang natitira sa lahi ng mga ito.
Umaasa naman ang mga eksperto na makatutulong ang in vitro fertilization para mabuntis at mapadami pa ang lahi ng mga white rhino.
—-