Posibleng nasa 300,000 litro na lamang o katumbas ng isang tangke ang natitirang industrial oil mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna nang nagpapatuloy na bagging operation upang mapigilang kumalat pa ang tumagas na langis mula sa barko.
Ayon kay PCG Spokesman, Rear Admiral Armand Balilo, hinihintay pa nila ang official report hinggil sa bagging operation na inaasahang lalabas ngayong araw.
Tiniyak naman ni Balilo na hindi tumitigil ang pagresponde ng PCG Sa oil spill upang hindi na ito lalong kumalat.
Pebrero a–28 nang lumubog ang MT PRincess Empress sa karagatang sakop ng mga bayan ng Naujan at Pola.