Tiwala ang Social Security System (SSS) na maibibigay sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang natitirang isanlibong pisong dagdag pensyon sa kanilang mga miyembro.
Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, target nilang maibigay ang dagdag pensyon na ito sa taong 2020.
Matatandaang unang naibigay ang isanglibo sa dalawanlibong pension increase noong 2017.
Ngunit dahil aniya dito ay umikli o aabot na lamang sa 2032 ang pondo ng SSS.
Dahil dito, gagamitin ng SSS ang pagkakataon ngayong taon para palaguin at mapatatag ang pondo ng ahensya.
—-