Nakatakda nang ipamahagi ng Department of Agrarian Reform ang natitirang mahigit 300 ektaryang yulo estate sa lalawigan ng Masbate.
Ito’y matapos ang oath-taking ng isandaan siyamnapung Agrarian Reform Beneficiaries (ARB), kabilang ang tatlong dating miyembro ng New People’s Army.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer 2 Herald Tambal, nanumpa ang mga A.R.B. kay Judge Rolando Sandigan ng Municipal Trial Court-Masbate City, na sinundan ng paglagda sa application to purchase and farmer’s undertaking.
Ang lupain ay bahagi ng 1,372 hectares na landholding na dating pag-aari ni Luis Yulo sa barangay Matagbac sa bayan ng Milagros.
Taong 1993 nang unang ipamahagi ang nasa isanlibong ektaryang lupain ng Yulo estate sa 357 agrarian reform beneficiaries.