Nanawagan ang Department of National Defense sa publiko na pumalag sa anumang pangha-harras ng grupong NPA o New People’s Army.
Ito’y sa kabila ng mga pangingikil, panununog at iba pang iligal na aktbidad na ginawa ng komunistang grupo ilang linggo bago buksan muli ang peacetalks.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi dapat magpadala ang publiko sa pangingikil ng NPA dahil lalo lamang lalakas ang pwersa ng mga ito.
Tinawag din ni Lorenza na kontra sa mga mahihirap at kontra sa pag-unlad ang NPA lalo’t tina-target nito ang mga kumpanya na nakatutulong sa ekonomiya ng bansa at nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
Ayon sa kalihim, bagamat suportado nila ang peacetalks, nanawagan naman sila sa mga komunista na paninidigan ang kanilang kagustuhan sa kapayapaan sa salita at maging sa gawa.
By Jonathan Andal