Naghahanap pa ng paraan ang Department of National Defense (DND) kung paano pa mas mapalalakas ang external defense capabilities ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ngayong nasa ikalawang yugto na ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines o AFP, target ng ahensya na bumili pa ng mga gamit para sa external defense missions.
Kabilang sa target na makuha ng DND ang missile-armed frigates, anti-submarine helicopters, multi-role fighters, long-range patrol aircraft, at marami pang iba.
Matatandaang nito lamang Marso 29, dalawang karagdagang FA 50 jet fighters ang dinala sa clark air base sa Pampanga.
By Avee Devierte / Ralph Obina