Malaking tulong sana ang pagkakaroon ng national identification (ID) system upang matugunan ang problema sa pamamahagi ng pinansyal na tulong sa social amelioration program (SAP) ng gobyerno.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address nitong Lunes, ika-13 ng Abril.
Kung may ID system lang tayo, naiwasan natin itong mga ‘to,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo, malaking tulong sana ang pagkakaroon ng ID system upang maiwasan ang aberya, partikular sa listahan ng mga makikinabang sa naturang ayuda.
Nagkakaroon tayo ng problema. Hindi ito perfect kaagad. Especially so, noon pa, sinabi namin na national ID makakatulong,” ani Duterte.
Magugunitang ang orihinal na kabuuang bilang ng target beneficiaries ng kada local government units (LGUs) ay bumaba hanggang sa kalahati matapos ang assessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatakdang makatanggap ang mga ito ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan mula sa SAP na pinondohan ng gobyerno ng P2-bilyon.