Inihayag ni League Chairman Ricky Vargas na hindi maaring makalaro bilang local sa Philippine Basketball Association (PBA) ang mga naturalized Filipino players o yung mga adopted foreign players sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagpapahiwatig ng ilang foreign players kabilang na sina Andray Blatche at Marcus Douthit na kapwa naturalized centers at may intensiyong maglaro sa liga.
Matatandaang naging kinatawan si Blatche ng pilipinas sa dalawang edisyon ng Fiba Basketball World Cup habang naging import naman si Douthit ng Air21 noong 2012 at ng Blackwater noong 2015 at naglaro rin para sa gilas pilipinas sa ilang events, kabilang na ang fiba asia championship, Fiba Asia Cup, at Southeast Asian Games.
Ayon kay Vargas, nakikitaan nila ng oportunidad ang dalawang manlalaro kaya’t papayagan silang makapaglaro pero bilang imports lamang sa PBA dahil hindi pa umano bukas ang pinto ng pba para sila ay maging local players. —sa panulat ni Angelica Doctolero