Aabot na sa mahigit 90K katao ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 sa isinagawang special vaccination days ng health department sa mga probinsiya sa buong bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 60% ng target na bilang ng nais nilang mabakunahan sa Cebu Province, Davao Region, at Cotabato City.
Ani Vergeire, isa pa rin sa dahilan ng mababng vaccination coverage sa mga nabanggit na lugar ang vaccine hesitancy .
Nabatid na target ng pamahalaan na mabakunahan ang 90M Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.