Nanawagan ng hustisya ang pamilya ng nasawing rider sa nangyaring insidente sa ginagawang skyway extension sa lungsod ng Muntinlupa.
Ayon kay Marilou Paquibot asawa ng namatay na rider na si Edison Paquibot, kailangang managot ang mga nasa likod ng ginagawang proyekto dahil sa pagkakamatay ng kanyang asawa—bagamat sinagot naman aniya ang gastusin nito, wala namang kalalakihang ama ang naiwan nitong 4 na taong gulang na anak.
Bukod pa rito, giit ng iba pang mga biktima, bigyan na sila ng tulong at wag na itong patagalin pa.
Nauna rito, siniguro naman ng private contractor ng skyway project extension na EEI Corporation na kanilang tutulungan iba pang biktima.
Mababatid nitong Sabado, tumagilid ang crane sa steel girder ng ginagawang skyway extension project kaya ito bumagsak at humantong sa pagkakasawi ng isang rider at 4 na iba pang sugatan.
Samantala, na-inquest na ang operator ng tumagilid na crane sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, and damage to property.