Kinuwestyon ng pamilya ng yumaong artist na si Bree Jonson ang agarang pagpapalaya kay Julian Ongpin, na inaresto dahil sa pagdadala ng cocaine sa isang hotel sa La Union kung saan natagpuang walang buhay si Jonson.
Nagtataka rin si Jill Palarca, pinsan ni Jonson, kung paanong nakalabas si Ongpin gayong non-bailable ang kasong possession of illegal drugs.
Kinumpirma naman Lt. Col. Abubakar Mangelen, Information Officer ng Police Regional Office 1 na sinampahan ng 2 counts ng violation ng Dangerous Drugs Act of 2002 si Ongpin.
Ayon kay Palarca, dismayado rin sila sa hindi pa nailalabas na autopsy report na susi upang makumpirma ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng kanyang pinsan.
Sabado ng umaga nang matagpuang wala ng buhay ang 30 anyos na si Bree sa isang kwarto sa bayan ng San Juan at naisugod pa sa Ilocos training and Regional Medical Center pero idineklarang dead on arrival.
Si ongpin, na isang art patron, ay anak ng bilyonaryo si dating Trade Minister Roberto Ongpin, Majority Owner ng Alphaland, na isa sa pinaka-malaking property developer sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino