Mananatili ang nauna nang committee report ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa madugong Mamasapano encounter.
Ayon sa Chairman nitong si Senadora Grace Poe, dahil wala namang bagong nabanggit sa muling pagbubukas ng pagdinig na maaaring maging dahilan upang palitan ang kanilang naging report.
Lahat aniya ng napag-usapan ay natalakay na rin noong una kaya’t maituturing na matibay na ang naunang ulat.
Sinabi pa ng Senadora na pinagbigyan lamang nila ang naging hirit ni Senator Juan Ponce Enrile na muling buksan ang imbestigasyon dahil wala ito sa Senado nang kanilang dinggin ito.
By Rianne Briones
READ: PNoy at Purisima inakusahang sadyang inilihim ang Oplan Exodus
Imbestigasyon sa Mamasapano incident muling binuksan
Liberal Party
Minaliit naman ng Liberal Party Daang Matuwid Coalition ang reinvestigation ng Senado sa Mamasapano incident.
Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Barry Gutierrez, wala namang “malaking rebelasyon” na inilabas si Senate Minority Floor Leader Juan Ponce Enrile taliwas sa ipinangako nito.
Wala rin anya silang narinig na bagong impormasyon o ebidensya na magdadawit kay Pangulong Noynoy Aquino.
Sa kabila nito, dumalo sa pagdinig si LP standard bearer Mar Roxas na noo’y Interior Secretary nang maganap ang engkwentro Enero 25 ng nakaraang taon.