Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon kaugnay sa komposisyon ng JBC o Judicial and Bar Council na sumasala sa mga aplikante para sa mga posisyon sa hudikatura at Office of the Ombudsman.
Ito’y makaraang ibasura ng Korte Suprema sa botong 9-5 ang petisyon ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali na kumukwestyon sa naunang desisyon ng hukuman na dapat isa lamang ang maging kinatawan ng Kongreso sa mga deliberasyon ng JBC.
Matatandaang sa Supreme Court ruling nuong 2013 kaugnay sa kasong inihain ni dating Solicitor General Frank Chavez, tinukoy ng kataas-taasang hukuman na isa lamang ang dapat na maging kinatawan ng Senado at Kamara sa JBC na taliwas namn sa nakagawian sa nakalipas na mga taon na may tig-isang kinatawan sa konseho ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ang desisyong ito ay muling pinaninidigan ng Korte Suprema sa inihaing kaso ni Umali na naniniwalang taliwas ang pagkakaroon ng isang miyembro ng Kongreso sa JBC.
Hindi naman sumama sa botohan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na umuupong Ex Officio Chairman ng JNC.
Sa ilalim ng 1987 constitution, ang JBC ay binubuo ng Chief Justice, Secretary of Justice, kinatawan ng Kongreso bilang Ex-Officio members, at kinatawan mula sa Integrated Bar of the Philippines, isang law professor, retiradong myembro ng Korte Suprema at kinatawan mula sa pribadong sektor.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo
Naunang desisyon hinggil sa komposisyon ng JBC pinagtibay ng SC was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882