Binawi na ni Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste nauna nitong pahayag sa senado na may matataas na Government official na sangkot sa Smuggling ng agricultural products.
Mayroon pa umanong tumawag sa kanya sa harap ng paghahanda nila ng kaso sa ilang Smuggler subalit nag-name drop lamang ng Public official ang nasabing caller.
Pero nang beripikahin ay wala naman anya ang mga pangalan ng ilang opisyal ng gobyerno.
Aminado si Laciste na nasabi lang niyang may tumawag sa kanya na High profile personality sa dialogue kasama ang League of Associations sa La Trinidad Vegetable Trading areas.
Ito’y para lang umano mapahinahon si Agot Balanoy, Pangulo ng naturang liga dahil sinasabi nito na nakatatanggap na siya ng death threats sa pagsasalita hinggil sa talamak na agricultural smuggling.
Iginiit ni Laciste na hindi naman niya maaaring isiwalat ang pangalan ng mga public official dahil hindi ito direktang tumawag sa kanya.
Tumanggi rin si Balanoy na isiwalat ang hawak nilang pangalan ng sinasabing mga pulitiko o matataas na tao na protector ng mga Smuggler dahil sa takot para sa kanyang seguridad. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)