Nagtataka ang samahang industriya ng agrikultura sa pasya ng Department of Agriculture na ipagpaliban ang pagpapatupad ng suggested retail price upang mapababa ang presyo sa mga pamilihan.
Para sa sibuyas na pula, target ipatupad ang S.R.P. na P150 per kilo para sa pula at P140 para sa puti.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, maaaring may mas malaking rason sa anunsyo ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo panganiban na pigilan ang S.R.P. sa sibuyas.
Tila pino-protektahan anya ng D.A. ang cartel sa hakbang na ito kaya’t kanilang kinukwestyon ang dahilan sa pagpapaliban ng pagpapatupad ng S.R.P.
Ipinagtataka rin ni Cainglet kung bakit hindi pinirmahan ni Panganiban ang draft order gayong nagkasundo naman sila sa meeting noong March 19, na ipatupad ang S.R.P. sa sibuyas.
Nangangahulugan anya ito na hindi sigurado ang mga D.A. official sa kapangyarihan ng kanilang ahensya.
Ipinunto naman ng sinag na matapos i-anunsyo ang desisyon na magpatupad ng srp, bahagyang bumaba ang retail prices ng sibuyas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.