Handa ang Department of Trade and Industry na makipagtulungan sa Food and Drugs Administration sa pangungumpiska ng nauusong laruan na lato-lato na ibinebenta sa merkado.
Binigyang diin ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, mahalagang matukoy ang importers o manufacturers ng kontrobersyal na laruan.
Wala aniyang label ang mga ibinebentang ‘lato lato’ partikular sa mga bangketa kaya’t hindi alam ng mga konsyumer kung sino ang hahabulin sakaling may malason sa nasabing laruan.
Matatandaang nagbabala ang fda sa paggamit at pagbili ng ilang uri ng “lato-lato” dahil hindi ito sumailalim sa notification process.
Nakasaad pa sa inilabas na public health warning advisory ng FDA na maaaring magdulot ng masamang epekto sa endocrine at reproductive organs ng isang tao ang mga nakahalong kemikal sa mga unlabeled o unregistered na ”lato-lato.”