Iginiit ng kamara ang pangangailangan na palakasin ang Naval at Air asset ng bansa upang bigyang babala ang sinumang magtatangkang pasukin ang Pilipinas.
Ito ay inihayag ni Albay Representative Joey Salceda, Chairperson ng House Committee on Ways and Means matapos na i-ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ang isang close maneuvering incident o ang tangkang panggigitgit na ginawa ng isang barko ng China Coast Guard, sa Bajo De Masinloc o Panatag Shoal.
Ayon kay Salceda, dapat masundan ang ginawa nina Pangulong Benigno Aquino III at Pangulong Rodrigo Duterte, na pagpapalakas ng Navy at PCG na magagamit hindi lamang para ipatupad ang Customs law, kundi pangdepensa sa mga may masamang balak sa bansa.
Dagadag pa ni Salceda, makabubuti rin umano kung magkakaroon ng kasunduan at magsasama-sama ang Pilipinas at iba pang lehitimong claimant sa West Philippine Sea. — sa panulat ni Mara Valle