Sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea, sisimulan na ngayong araw na ito ang naval exercise ng Pilipinas kasama ang Estados Unidos at Japan.
Tinatayang 600 sundalong Pinoy at Amerikano ang lalahok sa taunang Cooperation Afloat Readiness and Training o CARAT kung saan inaasahang darating ngayong araw ang P-3 Orion Military Aircraft ng Japanese Navy.
Gaganapin ang naval drills sa pagitan ng Philippine Navy at Japanese Maritime Self-Defense Force sa Antonio Bautista Airbase sa Puerto Princesa City mula Hunyo 22 hanggang 24.
Nakatuon sa search and rescue at disaster relief ang isasagawang naval exercise.
By Meann Tanbio