May opisyal na pakikipag ugnayan ang China sa Pilipinas kaugnay sa posibleng pagbisita ng Chinese Naval Ship sa Bansa.
Kasunod na rin ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na inimbitahan nito ang China para bumisita sa bansa ang battleship nito.
Binigyang diin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying na tuluy tuloy ang komunikasyon ng dalawang bansa kaugnay sa pagbisita ng kanilang naval ship.
Ang military exchanges aniya sa pagitan ng dalawang bansa ay mahalagang bahagi ng kanilang relasyon.
By: Judith Larino