Handa na ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa pagbabakuna ng mga menor de edad o 12 hanggang 17 taon gulang sa Biyernes.
Isasagawa ito sa Navotas City Hospital kung saan Moderna at Pfizer Vaccine ang gagamitin.
Ayon sa abiso ng nasabing pamahalaan,maari na ring sumabay ang mga magulang na hindi pa bakunado, kailangan lamang na magparehistro online at dumako sa naturang ospital. —sa panulat ni Airiam Sancho