Isinailalim ng lokal na pamahaan ang Navotas City sa dalawang linggong lockdown ang isang kalye sa Barangay Bangkulasi.
Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam na residente ng naturang street.
Ayon sa Navotas City LGU, mananatiling naka-lockdown ang naturang kalye hanggang Enero 2 ng susunod na taon.
Sinabi ni Navotas City contact tacing team leader Aljun Gregorio, nabatid na positibo sa COVID-19 ang siyam matapos na isalang sa swab test ang lahat ng mga residente sa eskinita.
Umaabot sa animnapung mga pamilya ang aapektuhan ng lockdown sa nabanggit na bahagi ng barangay kulasi.