Isa ang naitalang sugatan sa pagsabog ng isang granada sa haparan ng city jail sa Navotas City kaninang umaga.
Ayon kay Navotas Mayor John Ray Tiangco, dalawang granada ang ibinato sa harap mismo ng bilangguan ngunit hindi sumabog ng isa kaya’t agad itong naingatan.
Bukod sa nasugatang si Agnes Cruz na tinamaan ng shrapnel sa paa habang natutulog malapit sa city jail, napinsala rin sa pagsabog ang signage at ilang bahagi ng salamin sa bintana nito.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang tinamaang biktima habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek upang maikasa ang agarang pagtugis dito.
By Jaymark Dagala