Nakumpleto na ng Navotas City LGU ang kanilang pamamahagi ng ECQ ayuda mula naman sa national government.
Ayon sa Navotas LGU, umabot sila sa 15 days deadline ng pamamahagi ng nasabing ayuda sa ating mga kababayan na paktado ng nakaraang Enhanced Community Quarantine.
Higit sa 60k pamilya ang nakatanggap sa cash aid mula sa 21, 407,000 na allocation ng pamahalaan.
Habang P1,536,000 naman na pondo ang galing sa City government ang natanggap ng mga PWD’s, solo parents at natitirang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program.