Ipinagmalaki ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na bumaba ang bilang ng nagkakasakit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang syudad kasunod ng ipinatupad na dalawang linggong lockdown.
Ayon kay Tiangco, mula sa dating 37% positivity rate ay bumagsak na ito sa 15% bilang bunga ng mahigpit na lockdown nuong July 16 hanggang 29.
Dahil dito, naniniwala si Tiangco na epektibo ang lockdown kaya naman naging modified enchanted community quarantine (MECQ) ang kanyang boto sa pulong ng Metro Manila Council kagabi laban naman sa boto ng mayorya ng mga alkalde na ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang kalakhang Maynila.