Patuloy ang paghahandang isinasagawa ng Lungsod ng Navotas para sa nalalapit na roll out ng bakuna kontra COVID-19.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na inaasahan nilang darating sa darating na Hulyo ang nasa 100,000 doses ng COVID-19 vaccine na kanilang nilagdaan mula sa AstraZeneca.
Dadating po ‘yan sa 2nd sem of the year, ibig sabhin po, July po,” ani Tiangco.
Bumili rin aniya sila ng mga kagamitan upang mapanatili ang kalidad ng mga bakuna gaya ng low temperature freezers at mga transport coolers.
Tinatayang 120,000 residente naman ang target mabakunahan sa Navotas.
Samantala, hinimok naman ng alkalde ang mga residente ng Navotas na magrehistro na sa kanilang online forms upang malaman ang aktuwal na bilang ng mga indibiduwal na mababakunahan.
Ine-encourage namin ang ating mga kababayan na magsign-up na doon sa online forms para malaman talaga kung ilan ang dapat mabakunahan, pero ang naka-ready po ay 120,000,” ani Tiangco. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882