Magla-lockdown ng 14 na araw ang Navotas City.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, hindi pa nya nalalagdaan ang executive order hinggil dito dahil nag aantay pa sya ng police augmentation.
Binigyang diin ni Tiangco na kailangan na talagang ikontrol ang paglabas ng mga tao dahil, nado-doble ang bilang ng COVID-19 cases sa kanilang syudad kada linggo.
Mahigit anya sa 500 ang active cases ng COVID-19 sa Navotas mula sa kabuuan na mahigit sa 900 kaso.
Puno na anya ang kanilang quarantine facilities na may 200 kama lamang kaya’t ilan sa kanilang mga positibong kababayan ay ipinadala na nila sa Phil. Arena at World Trade Center.
Nilinaw ni Tiango na papayagan pa rin ang mga papasok sa trabaho pero wala munang bisita na makakapasok kanilang syudad at wala ring leisure activities.
Binigyang diin ni Tiangco na ang lahat ng residente ay kailangang manatili sa loob ng kanilang tahanan kung wala namang mahalagang gawain sa labas o hindi naman papasok sa trabaho.