Sinang-ayunan ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang intensiyon na sumali sa pilot run ng face to face classes sa ika-15 ng Nobyembre.
Ito’y matapos pirmahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang liham ni Dr. Al Ibanez, OIC Assistant Schools Division Superintendent.
Sinabi ng alkalde na nasa 45 senior high student ang kasali rito sakaling aprubahan ito ng DEPED at DOH.
Kamakailan lamang ay nagpulong ang lokal na pamahalaan kasama ang ilang concerned offices ukol dito.
Base sa napagkasunduan, bibigyang prayoridad sa pagbabakuna ang mga kasali na papasok sa face to face classes para sa kanilang kaligtasan.
Aniya, nakadepende ang desisyon ng bata at ng kanyang magulang o guardian kung magpapabakuna ito o hindi.
Samantala, nagpaalala ang Alkalde na patuloy na sundin ang mga ipinapatupad na helath at safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.