Dumating na sa New York City ang military sealift command hospital para sumuporta sa laban ng estados unidos kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Ang naturang sealift hospital o USNS comfort ay magsisilbing referral hospital para sa mga non-COVID-19 patients na naka-admit sa mga ospital na nakabase sa pantalan.
Ayon sa commanding officer nito na si Captain Patrick Amersbach, ang pagdating ng navy hospital ship sa lugar ay magsisilbing “relief valve” na tutugon sa iba pang mangangailangan ng atensyong medikal dahil puno na ang ilang mga ospital sa lugar dahil sa COVID-19 outbreak.
Binubuo ng higit 1,000 medical personnel ang USNS comfort, at may kumpletong pasilidad mula medical care tulad ng general surgeries, critical care maging ang mga ward care para sa mga matatanda.
Samantala, inaasahan namang bukas 24 oras ang USNS comfort para tumanggap ng mga pasyente.
Sa panulat ni Ace Cruz.