Patay ang isang miyembro ng Philippine Marines matapos malunod habang sa gitna ng basic military scuba diving course sa loob ng kampo sa Ternate, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Private Laurence Pabraquil Remontal, 26 na taong gulang, residente ng Zamboanga del Norte.
Ayon sa Ternate Police, umahon ang biktima sa kasagsagan ng kanilang underwater knot tying na may 20 talampakan ang lalim nang duguin ang ilong nito.
Pinayuhan si Remontal ng kanyang diving instructor na si Corporal Jaime Jimmy Gayosa Jr. na umahon habang ipinagpatuloy ng iba pang estudyante ang training.
Gayunman, bumalik sa tubig si Remontal at training na natapos umano nito pero hindi na nakaahon.
Inaalam na kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng biktima. —sa panulat ni Mara Valle