Dumaong sa Subic Bay Freeport ang isang Navy missile cruiser ng Amerika sa gitna ng nararanasan tensiyon sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Ayon sa Philippine Navy Public Aaffairs Office Chief Commander Lued Lincuma, ito ay bahagi ng routine port call ng uss shiloh CG-67 upang mag-replenish ng supply at magpatupad ng routine maintenance.
Siniguro naman ng US embassy na agad din namang aalis ang naturang missile cruiser para ipagpatuloy ang pagpapatrol nito sa Pacific.
By Rianne Briones