Nangako ang Philippine Navy (PN) at Republic of Korea Navy (ROKN) na patuloy nilang tatahakin ang landas ng pagtutulungan at pagkakaisa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic nang hindi nababalam ang kanilang operational capabilities.
Ayon kay Public Affairs Officer Lt. Commander Maria Christina Roxas, sa kauna-unahang virtual meeting na pinamagatang “Navy to Navy Talks” o NTNT, tinalakay ng dalawang navies ang aspetong pandepensa laban sa COVID-19 crisis.
Sinasabing nakapaloob naman ang nabanggit na diskusyon sa Terms of Reference (TOR) na nilagdaan ng dalawang bansa noon pang 2019.