Dumaong sa South Harbor sa Maynila ang navy training vessel ng Mexico para sa limang araw na good will visit sa bansa at mananatili hanggang Martes.
Bukod sa mga enlisted crew at opisyal ng ARM Cuauhtémoc Mexican Navy Vessel, sakay din nito ang nasa 40 kadete ng Heroic Navy Military School sa pangunguna ni Commanding Officer Captain Rafael Lagunes Artiaga.
Ang pagdating ng nasabing barko ay inaasahang magpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng Mexico at Pilipinas.
Gayundin, ang pagpapatibay sa matagal nang relasyon ng Mexico at Pilipinas hindi lamang bilang kaalyado kundi bilang sister nations.
Nataon naman ang pagdaong ng nasabing Mexican navy training vessel sa ika-30 taon nito.