Nawalan ng ngipin ang hatol na kamatayan.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni VACC o Volunteers Against Crime and Corruption Spokesman Arsenio Boy Evangelista matapos lumusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang death penalty na nakasentro lamang sa mga krimeng may kinalaman sa droga.
Gayunman, sinabi ni Evangelista na masaya na rin sila sa nasabing panukala bagamat malabnaw ito.
“Medyo malabnaw ang pananaw nga namin dito kasi nga bakit i-exclude mo yung plunder and other complex crime of carnapping, kidnapping, rape at robbery, holdup robbery, within the process may namamatay at minsan madalas yung mga biktima nila ay hindi ordinaryo ang pagkamatay katulad nung Korean National pinatay na tapos na-crimate pa, flinash lang sa inodoro, sinusunog at china-chop-chop yung mga biktima kaya para sa amin kulang, nawalan ng ngipin itong hatol na kamatayan.”
VACC umaasang magiging bukas ang mga senador sa pagbabalik ng parusang kamatayan
Magla-lobby ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa Senado para maipasa rin ang death penalty bill na una nang lumusot sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Sinabi sa DWIZ ni VACC Spokesman Arsenio Boy Evangelista na umaasa silang magiging bukas ang mga senador sa pagbabalik ng parusang kamatayan na aniya’y kailangan ngayon.
Magpapakalat din aniya sila ng mga larawan ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen para maantig ang puso ng mga kontra sa parusang kamatayan.
“Sana mapagbigyan natin tong pagbabalik ng hatol na kamatayan kahit nga nanghihingi tayo kahit na time bound naman to sakaling ma-approve, maging okay na, ma-address na yung talagang problema sa krimen; illegal drugs, narco politics eh tanggalin uli at nananawagan din kami sana buksan din nila ang pintuan nila para subukan natin to as one alternative na instrumento na ma-address to para yun nga, pare-parehas naman tayo ng gusto and they should free from illegal drugs, corruption, crime”
Ayon kay Evangelista, ang ipinaglalaban nila sa pagpabor sa parusang kamatayan ay para sa mga posibleng maging biktima ng mga krimen.
“Hindi nila maintindihan, this is not all about my son anymore or the other victims na patay na it is about yung future victims as a prevention. Hindi nila maintindihan, ang hirap-hirap, napanood ko yan, nakita ko yan na yung failure ng criminal justice talagang it’s really not working kay si Presidente for nine, ten years prosecutor siya, nakita niya rin yung failure”
By Judith Larino | Ratsada Balita Interview