Natagpuang patay si Seoul City Mayor Park Won-Soon.
Ito’y matapos ipaalam sa mga otoridad ng anak ng alkalde na nawawala ang kaniyang ama makaraang hindi na ito nakapasok sa trabaho.
Nakitang wala ng buhay ang 64-anyos na alkalde sa Mt. Bugak sa Northern Seoul.
Sa nasabing lugar umanong iyon huling nakitang aktibo pa ang signal ng kaniyang cellphone.
Nahalal si Park bilang alkalde ng Seoul noong 2011 at noong Hunyo ng taong 2019 ay muli itong nahalal sa kaniyang ikatlo at huling termino.
Ikinukunsidera rin si Park ng kaniyang kinabibilangang partido na liberal democratic bilang pambato sa pagkapangulo sa 2022.