Naagnas na at nakasilid sa sako nang matagpuan ng awtoridad ang labi ng isang walong-taong-gulang na batang babae ang natagpuang nakasilid sa sako at naaagnas na sa Taytay, Rizal.
Sa salaysay ng ina ng biktima sa pulisya, inakala nito na ang batang si Rylai Kaye Barrun nasa kanilang silid.
Ngunit ilang oras na ang nakalipas, wala pa rin ang bata. Kaya hinanap ito sa mga kapitbahay na maaaring nakakita sa kaniya.
Nang suriin sa CCTV camera sa kanilang lugar, nakita nakikipaglaro pa ang bata sa kanilang kapitbahay.
Ngunit iyon na pala ang huli na makikita niya ang anak nang matuklasan ng mga residente ng lupang arenda ang isang sako at doon nakita ang kaniyang bangkay.
Nakumpirma ring ginahasa ang biktima at pinatay sa sakal matapos isalalim ang biktima sa autopsy.
Kaagad namang nabunutan ng tinik ang pamilya ng biktima matapos mahuli ng mga pulis ang suspek.