Isang nawawalang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang natagpuang patay sa Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ang Uber Driver na si Christopher Namoca, 32 anyos na nadiskubre sa isang quarry site sa Barangay Salawag.
Ayon kay Dasmariñas City Component Police Station, Chief Supt. Fernando Ortega, huling nakitang buhay si Namoca noong Pebrero 02 nang pumasada ito pero hindi na umuwi.
Bagaman nakausap pa si Christopher ng kanyang asawa noong Pebrero 3 at 4, hindi na ito natawagan noong a-singko.
Inaalam na kung ano sanhi ng pagkamatay ni Namoca o kung nagkaroon ng foul play at sino ang posibleng pumatay sa biktima.
Nitong Oktubre lamang ay natagpuang patay sa Pasay City ang Grab Driver na si Gerardo Maquidato na nakilala sa pagiging “good samaritan” dahil sa libreng sakay nito sa isang pasaherong may sakit.