Bumagsak sa bahagi ng Purok Mayaog, Brgy. Pandan sa Real, Quezon ang isang Helicopter ng Philippine National Police o PNP.
Batay sa inisyal na ulat ng PNP Air Unit, pasado alas-8 ng umaga nang bumagsak ang Airbus H125 single engine light utility helicopter ng PNP na may tail number RP-9710 sakay ang 3 tauhan nito.
Kinilala ng Real Municipal Police Station ang 3 sakay ng Helicopter na sina P/LtCol. Dexter Vitug, P/LtCol. Michael Melloria at Pat. Allen Ona.
Ayon kay P/Col. Vince Bangwa PNP Air Unit, nakatakda sanang sunduin ng naturang Helicopter si PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos sa Balisin Airport nang mangyari ang aksidente.
Rumesponde rin aniya ang mga tauha ng Bureau of Fire Protection o BFP gayundin ang Municipal Action Center ng Real maging ang Philippine Coast Guard para tumulong sa rescue and retrieval operations.
Sinabi pa ni Bangwa na sugatan ang 3 sakay ng Helicopter at dinala na sa CM Recto Hospital sa Infanta ang 2 habang kasalukuyang inaalis ang isa pa.