Nahanap sa Europe ang iconic na painting ni Juan Luna na “Hymen, Oh Hymeenèe,” pagkatapos ng mahigit isang siglo na pagkawala.
Itinuring bilang “Holy Grail of Philippine Art,” ang obra at ginawaran ito ng bronze Medal sa 1889 Paris world Fair, tampok ang kasalang romano.
Hindi nakita ang obra maestra mula nang ito ay nasa pag-aari ni Luna hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899.
Kamakailan, ang obra ay natuklasan ng Art Collector na si Jaime Ponce de Leon pagkatapos ng halos 10 taong paghahanap.
Naka-display ngayon ang painting sa Ayala Museum sa Makati City bilang paggunita sa ika-125 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12.