Nakauwi na sa kanyang pamilya ang prominenteng mamamahayag sa Pakistan ilang oras matapos itong i-ulat na nawawala.
Ayon sa report ng Al Jazeera, huling nakita si Matiullah Jan sa isang government school sa Islamabad.
Samantala, kinumpirma ni Pakistani Information Minister Shibli Faraz sa isang press conference na dinukot si Jan pero nakauwi naman agad sa kanyang pamilya ang nasabing journalist.
Mula noong 1992, tinatayang 61 Pakistani journalists na ang napapatay dahil sa kanilang trabaho.